Triple red alert itinaas sa PNP-Region 12

NAKATAAS na sa triple red alert ang Philippine National Police-Region 12 partikular na sa General Santos City kasunod ng mga bantang pambobomba sa lugar.

Ayon kay Chief Inspector Leo Sua, hepe ng Pendatun Police Station sa Gensan, 100 porsyentong nararamdaman ang presensya ng mga pulis sa mga pangunahing lansangan gayundin sa mga vital installations kasabay ang mahigpit na pagbabantay sa mga checkpoint.

Sinabi ni Sua na nagtalaga na rin sila ng mga pulis sa mga paaralan para magbantay sa seguridad ng mga estudyante at guro.

Pinulong na umano ang operations officers ng PNP bilang paghahanda sa pag obserba ng ramadan kung kailan inaasahan ang ilang insidente ng pambobomba.

Napag-alaman na tinipon ni Director Felicisimo Khu, hepe ng Directorate of Integrated Police Operations (DIPO) Western Mindanao at commander ng Joint Task Force-Kutawato, ang mga operations officer ng pulisya bilang paghahanda sa pag-obserba ng Ramadan na kalimitan ay may nagaganap na pambobomba.

Nabatid na may isa pang bomba umano na inihanda ang grupo ng local bomber na si Basit Usman para sa Central Mindanao ang hindi pa narekober. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply