Tropang Texters naninibago sa bagong import

SA HANGARING ibayong mapatibay ang pagsungkit sa grand slam, isang bagong import na inaasahang mahihigitan si Maurice Baker, kinumisyon ng Talk N’ Text ang Villanova University standout ballplayer na si Scottie Reynolds sa pagharap nila laban sa Alaska Aces Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 6-2 win-loss record sa ibabaw ng 10-team semifinalist, malaki ang tiwala ni coach Chot Reyes at ng coaching staff na makukuha nila ang pambihirang triple crown sa tulong ng 5’11.9” na si Reynolds sa pagsisimula ng laban nila kontra Alaska Aces may 3 kabit-kabit na panalo na naghatid sa team ni coach Tim Cone sa 5-3 slate kapantay ng Petron Blaze at ng Barangay Ginebra.

Maghaharap naman 7:45 ngayong gabi sa main game ng double-header ang B-Meg Derby Ace Llamados at ang Rain Or Shine Elasto Painters na kapwa tangan ang 4-4 win-loss record.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply