Tropang Texters taob sa Llamados

DISMAYADO ang mga fans ng Talk ‘N Text Tropang Texters sa Middle East partikular sa Dubai sa out-of-the-country game nang pataubin ito ng B-Meg Derby Ace Llamados sa PBA Governors Cup sa Al Shabab Sport Center.

Saludo naman ang coaching staff at mga teammate ng Llamados sa inilaro ng bago nilang import na si Darnell Hinson na bumanat ng 26 puntos, 12 boards at dalawang assists sa 111-105 na panalo na naghatid sa ikatlong panalo ng tropa ni coach Jorge Gallent.

Nakakalas ang Llamados sa tumpukan nila ng Meralco Bolts, Petron Blaze at Alaska Aces sa 2-2 kartada sa standings.

Bunga ng pagkatalo muling nagpantay ang Tropang Texters at ang Rain or Shine sa no. 1 spot na kapwa  tangan ang 3-1 win-loss record.

Sina James Yap na pumuntos ng 32, Marc Pingris at Joe Devance na nagtala ng double-double sa pinagsamang 33 points, 29 rebounds ay nagpasigla sa manonood na karamihan ay mga OFWs.

Nahirapan sina Kelly Williams at Ranidel de Ocampo sa opensa at depensa ni Pingris na may impresibong 17 puntos, 12 rebounds, apat na blocks at tatlong assists.

Mula sa 53-56 na paghahabol sa first-half, umarangkada ang makinarya nina Yap, Hinson, Pingris at Devance para maisulong ang 82-74 na abante ng Llamados sa pagsasara ng third quarter. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply