Tropang Texters tuluy-tuloy sa pananalasa

WALANG tigil sa pananalasa ang Talk N’ Text kasunod sa pagkuha ng ika-7 panalo sa PBA Governors’s Cup sa panimula ng semifinals ng tabunan ang Alaska Aces, 103-85, sa Big Dome Biyernes ng gabi.

Si sweet shooting Larry Fonacier ang tinanghal na top scorer sa kanyang 21 puntos na sinundan ng 20 puntos ni Ryan Reyes habang ang bagong import na si Scottie Reynolds na humalili kay Maurice Baker ay nag-ambag ng 10 puntos.

Mataas na 50 porsiyento ang ipinamalas sa shooting ng Tropang Texters kabilang ang mahahalagang three pointers. Nadagdag pa sa kamalasan ng Alaska Aces ang 6-treys ni Reyes at tatlo ni Fonacier. Kinapos sa opensa ang Aces sa hindi paglalaro ni Cyrus Baguio na may dinaramdam na ACL (anterior cruciate ligament) injury. Sa panig ng Texters wala rin si Ranidel de Ocampo na nabasaga ang ilong na nakuha sa kanilang ensayo.

Sa main game nauwi sa wala ang personal comfenrence high na 41 points ni Arizona Reid nang sumuko sila sa B-Meg Derby Ace Llamados sa iskor na 98-99 na tuluyang nagpabagsak sa Rain Or Shine sa ilalim ng 6-team semifinalist sa slate na tangan ang 4 win-5 losses.

Umahon sa 17 puntos na pagkakalubak ang Llamados hanggang tapusin ang mabigat na bakbakan sa inisyatibo nina TJ Simon at James Yap para tuluyang makamit ang manipis na panalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply