Tropang Texters vs Alaska Aces bukas ng gabi

SISIMULAN na ng Tropang Texters ang pakikipagsapalaran sa pagsabak sa Alaska Aces Biyernes ng gabi sa kanilang pinupuntiryang grand slam sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 6-2 slate sa 6-team semifinalists ipagpapatuloy ng defending champions Texters ang pamamyagpag laban sa Alaska Aces na kabilang sa tatluhang tumpukan ng Petron Blaze Boosters, Alaska Milk Aces at crowd darlings Barangay Ginebra na may mga hawak na 5-3 win-loss record.

Nakumpleto ang semifinals cast kasama ang Rain Or Shine Elasto Painters at ang B-Meg Derby Ace Llamados na may parehong 4-4 slate.

Kabilag sa tatlong koponan na napatalsik sa orihinal na 9-teams ay Meralco Bolts, Air21 Express at ang Powerade Tigers. Ang Tigers ay nag-iwan muna ng magandang laro sa kanilang pamamaalam ng alisan ng boltahe ang M-boys sa iskor na 86-81 sa pagbibida nina Gary David na bumuslo ng 17 puntos at import na si Chris Porter na nagtala ng 15 puntos sa kanyang huling laro samantalang si Champ Uguchi ng M-boys ay gumuhit sa kanyang game-high na 27 puntos na dinagdagan ni Solomon Mercado ng 20 sa kanilang nabigong huling laro sa PBA Governor’s Cup.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply