Truth Commission tinabla ng Korte Suprema

TANGGAP ng Malakanyang ang desisyon ng Supreme Court (SC) sa tuluyang pagbasura sa Truth Commission.

Batay sa ulat, pinag-iisipan na ng Palasyo kung bubuo ng panibagong komisyon o rerepasuhin nalang ang Executive Order.

“We have been waiting for that. Now we can move forward on whether to abolish the body all together or amend the EO,” pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Ed de Mesa.

Una rito, sa botong 10-3 ay nanindigan ang SC na labag sa Saligang Batas ang Truth Commission na may layunin sanang habulin ang katiwalian ng nakaraang adminitrasyon.

Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Midas Marquez, nabigo ang pamahalaan na makapagprisinta ng mga bagong argumento sa kanilang motion for reconsideration.

Mali aniya ang Palasyo sa pagbuo ng komisyon para pag-initan ang Arroyo administration.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply