Truth Commission tinuluyan na ng SC

TULUYAN nang pinawalang-saysay ng Korte Suprema ang plano ng administrasyong Aquino na pagtatayo ng isang ahensya ng gobyernong tatawagin sanang Truth Commission.

Plano sana ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na itatag ang nasabing kontrobersyal na ahensya upang siyasatin ang mga umano’y katiwaliang nangyari sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayon ay isa nang kinatawan ng Pampanga sa Kamara de Representantes.

Pinal nang ibinasura ng Mataas na Hukuman ang Executive Order No. 1, na nagbubuo ng nabanggit na komisyon, ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Supreme Court spokesperson Midas Marquez, wala nang bagong argumento na naihain ang pamahalaan sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General para mabaligtad ng naunang desisyon.

Matatandaan na sa botong 10-5 ng Korte Suprema ay unang naideklarang “unconstitutional” ang EO No. 1 dahil umano sa paglabag sa “equal protection clause” na isinasaad ng Saligang Batas.

Hindi umano maaaring gumawa ng isang batas na nakasentro lamang sa katatapos na administrasyon at hindi kasama ang mga kasong graft na posibleng nagawa ng iba pang nakalipas na administrasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply