Tsismoso ang migrante

ISANG panayam sa radyo ang nakakuha nang aking atensyon kahapon ng umaga. Ang nasa linya ay si Director Nicon Famorenag ng Public Information Office ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Tinalakay sa nasabing interview ang balitang pinaputok ng Migrante na tinatatakan umano nang immigration officials sa Saudi Arabia nang “exit only” ang passports ng mga OFW na nagbabakasyon dito sa bansa.

Para sa kaalaman ng marami, hindi maganda ang ibig sabihin ng tatak na “exit only”
sa passports ng ating mga OFW lalo’t mainit ngayon ang isyu ng Saudization.

Ang Saudization ay ang labor policy ng nasabing bansa na nagtatakda sa mga kompanya roon na bigyan ng priority ang pagkuha sa mga local citizen bilang mga trabahador at huwag ng mag-hire hangga’t maaari ng mga dayuhan.

At dahil sa labor policy na ito, kung may tatak na “exit only” ang passports ng mga OFW ay nangangahulugan ito na hindi na siya maaaring bumalik sa Saudi para magtrabaho.

Natural na marami ang maalarma sa balitang ito na pinakakalat ng Migrante. Mabuti naman at mahusay na naipaliwanag sa ere ni Director Nicon na walang katotohanan ang isyung iyon.

Ani Director Nicon, imposible ang pagtatatak ng “exit only” dahil ang exit/re-entry visas na inilabas ng passport department o Jawasat kung tawagin ay hindi puwedeng baguhin ng mga taga-immigration sa kanilang mga paliparan.

Naghanap din sila ng mga OFW na may hawak ng passport na gaya ng sinasabi ng Migrante subalit wala rin silang makita kahit isa. Lumalabas sa imbestigasyon ng DOLE na gawa-gawa lamang ng Migrante ang balita at ang layunin nito ay upang yanigin at guluhin ang pag-iisip hindi lamang ng mga OFW at kanilang mga mahal sa buhay kundi pati na rin ang mga awtoridad.

Bagamat tanggap natin na maraming OFWs ang maaaring maapektuhan ng Saudization, hindi naman tama ang ginagawa ng Migrante na guluhin pa ang tensyonado nang sitwasyon. Sa halip na makatulong ang Migrante para mabawasan ang iniisip ng mga OFW na sabi nila ay pinaglilingkuran nila, ay tila pinaglalaruan pa nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga iresponsableng impormasyon.

Para sa akin ay dapat maparusahan ang mga grupong gaya ng Migrante na mahilig sumawsaw sa mga isyu pero ang layunin lang ay manggulo at pasamain sa mata ng taumbayan ang pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply