Tubo wasak sa backhoe; 2 barangay apektado

DALAWANG barangay ang nawalan ng tubig ng tamaan ng backhoe ang tubo ng Maynilad sa kasagsagan ng konstruksyon ng C-3 Interchange Project ng DPWH sa Quezon Ave.-Araneta Ave Intersection kagabi, Hulyo 6.

Halos bumaha sa lugar ng bumulwak ang tubig na galing sa tubo ng Maynilad kaya’t minadali ng mga tauhan ng Maynilad ang pagkukumpuni rito.

Ayon kay Jun Perez,technical staff ng Maynilad, aabot sa tatlo hanggang limang oras ang pagpapalit ng nawasak na tubo at isinara nila ang main valve connection na ikinawala ng supply ng tubig sa Barangay Sto. Domingo at Barangay Tatalon.

Nadismaya naman ang mga residente sa pangyayari dahil ‘di sila nakapaghanda at nakapag-igib ng tubig kayat nagtiyaga na lamang ang karamihan na maghintay hanggang matapos ang pagkukumpuni ng Maynilad. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply