Tulak na guro arestado

ARESTADO ang isang guro na positibong naaktuhan na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa loob at labas ng kanyang pinapasukang unibersidad sa Los Banos Laguna.

Kinilala ang guro na si Jason Gulay, 31, at limang semestre nang nagtuturo ng Tourism at Hotel and Restaurant Management sa Los Banos Polytechnic University of the Philippines.

Ayon kay P/Supt. Dante Novicio, hepe ng Los Banos Police, nakumpirma nila ang mga impormasyon na nagbebenta nga ang nasabing guro ng magsagawa sila ng pagmamatyag sa loob at labas ng unibesidad.

Gumamit umano ang pulisya ng mga poseur buyer upang masiguro na nagbebenta nga ang guro. Makaraan ang ilang araw na operasyon, nakumpirma ng mga pulis ang impormasyon ng makabili ang mga nagpanggap na operatiba ng ipinagbabawal na gamot na shabu mula sa guro. Sa puntong iyon ay sinunggaban na ng mga operatiba ng Los Banos Police ang guro na hindi naman nanlaban at dinala sa himpilan .

Nakarating kay Los Banos Mayor Anthony Genuino ang pangyayari at natuwa ito sa pagkakatuklas ng bentahan ng droga sa loob pa mismo ng mga institusyon na kanyang nasasakupan at nagsabing wala umanong puwang sa kanyang bayan ang mga drug pushers. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply