Tumakas na ‘cop killer’ nadakip

NADAKIP ng pinagsamang puwersa ng Taguig City Police Station at National Capital Region Office (NCRPO) ang isang takas na kriminal nitong Sabado ng madaling araw, Hulyo 9, sa pinagtaguan nito sa 265 Quezon st., Barangay Cuyab-Putol, San Pedro Laguna.

Nahuli ang suspek na nakilalang si Michel Manansala Labon alyas “Bangus,” 28, sa isinagawang joint manhunt operation matapos itong tumakas habang nagpapagamot sa Philippine General Hospital (PGH) noong Huwebes ng hapon.

Si Bangus ay una ng nadakip ng mga awtoridad bilang pangunahing suspek sa pagpatay kay PO1 Venerando Pantino ng magresponde ang huli sa isang robbery scene na naganap kamakailan sa nasabing lungsod.

Bago binawian ng buhay si Pantino sa kanyang call-of-duty ay nagawa nitong makaganti ng putok sa suspek dahilan upang dalhin ito sa PGH habang nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng mga pulis bago ito nakatakas sa tulong anila ng mga kaibigang kasabwat.

Kabilang sa mga binitbit din ng mga awtoridad ay sina Edwin M. Lotero, 32, nakatira sa Blk. 74 Lot 1 Putaton, Muntinlupa Metro Manila, Marlon Esteban Florita, 22, nakatira sa 265 Barangay Cuyab-Putol, San Pedro Laguna at Michael Tagalog, 28, nakatira sa Blk. 67 Lot 27 Zone 5, Barangay Upper Bicutan.

Si Bangus ay ililipat ng kulungan sa BJMP Taguig sa bisa ng commitment order na ipinalabas ni RTC Branch 266 Pasig City Judge Toribio Ilao sa kasong attempted robbery with homicide habang ang mga ikinulong na kasabwat nito sa pagtakas ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 1C ng PD1829. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply