Typhoid fever outbreak sa Cebu, biktima tumaas na sa 100

TUMAAS na sa 100 ang biktima ng typhoid fever outbreak sa isang barangay sa Alegria, Cebu.

Agad nagbabala ang Department of Health (DOH-7) sa patuloy na pagtaas sa kaso ng typhoid fever partikular sa Purok Proper, Sangi at Inghoy.

Sa isinasagawang laboratory test ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng DOH, lumabas na ang kontaminadong tubig ang dahilan sa tumamang sakit.

Pinayuhan naman ni Dr. Cristina Giango, head ng Integrated Provincial Health Office ang mga residente sa nasabing lugar na huwag munang kumuha sa kontaminadong tubig ng reservoir at kailangang pakuluan din kung iinumin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply