UAAP games binayo ng bagyo

MAKIKIPAGSUBUKAN sa Far Eastern University ang National University sa Linggo sa 74th UAAP men’s basketball tournament habang ang ilang laro ay nakansela dahil sa bagyo.

Nais ng NU na makabawi sa 62-59 loss ng grupo sa FEU noong nakaraang linggo.

Samantala, dahil sa bagyong “Juaning” ay nakansela ang women’s games sa Blue Eagle Gym kahapon.

Ang games—UE laban sa UST, NU laban sa La Salle, Adamson laban sa UP at Ateneo laban sa FEU—ay gaganapin na lamang sa August 3 sa naturang gym.

Nangunguna ang UST sa women’s division taglay ang tatlong straight wins, kasunod ang La Salle, Ateneo, Adamson at FEU taglay ang 2-1 records.

Kapwa taglay naman ng UP at NU ang 1-2 slates habang ang UE ay wala pang napapanalunan sa tatlong laro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply