UE Warriors hahanapin ang unang panalo sa UAAP

PLANO ng University of the East Red Warriors na tumaktak ng unang panalo kontra Adamson University Falcons sa pagpapatuloy ng 74th season ng UAAP men’s basketball tournament na gaganapin bukas sa Philsports complex sa Pasig City.

Nasa ilalim ng team standings ang Red Warriors na may 0-4 matapos silang matalo sa huling laban nila sa defending champions Ateneo Blue Eagles, 61-73 habang may 2-1 slate naman ang Falcons ng dagitin nila ang UST Tigers 81-71 noong Linggo ng hapon.

Pipilitin ng Red Warriors na tustahin ang Falcons upang malasap nila ang unang panalo bago matapos ang first round kung saan ay ipinatupad ang double round robin format.

Sa main game na uumpisahan ng alas 3 ng hapon ay maghaharap naman ang National University Bulldogs at De La Salle University Green Archers.

Balak dukplikahin ng Green Archers ang panalo nila sa huling laban kontra University of the Philippines Maroons, 79-67 habang babangon ang Bulldogs mula sa pagkakadapa nila sa Far Eastern University Tamaraws, 59-62.

Tangan ng Taft based La Salle ang 1-2 win-loss card habang 1-3 panalo talo naman ang kartada ng NU.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply