UK best selling tabloid isinara dahil sa hacking issue

ISINARA na ng pamunuan ng News of the World (NoW), tabloid sa Britanya matapos maglabas ng kanilang pinakahuling edition makalipas ang 168 taon.

Sa front page ng naturang pahayagan ay nakasaad ang mensahe na “Thank You & Goodbye” kung saan humingi ng paumanhin ang mga manunulat sa kanilang mahigit pitong milyong readers.

Tampok din sa ika-8,674 weekend edition nito ang montage ng mga nakaraang cover ng pahayagan.

Ang News of the World ang responsable sa pag-hack sa cellphones ng mga biktima ng krimen, celebrities at mga pulitiko.

Natukoy ng pulisya na 4,000 phone numbers ang target ng naturang tabloid na i-hack.

Nagsimula ang sirkulasyon ng tinaguriang best-selling tabloid sa United Kingdom noong 1843.

Nakatakda namang dumating sa London si Rupert Murdoch, may-ari ng News of the World, upang i-handle ang phone-hacking crisis.

Una rito, nito lamang Biyernes ng gabi ay inaresto ang dating press secretary ni British Prime Minister David Cameron may kaugnayan sa alegasyon na phone hacking.

Si Andy Coulson, dating royals reporter at editor ng NoW tabloid ay hinuli rin ng mga awtoridad.

Matapos ang pagre-resign ni Coulson bilang editor ng News of the World ay kinuha muli ni Cameron ang kanyang serbisyo.

Ayon kay Cameron, binigyan niya ng pangalawang pagkakataon si Coulson kasabay ng pangakong wala itong masamang ginawa sa dati nitong trabaho.

Humarap din sa publiko si Cameron kasunod ng mga tinanggap na batikos dahil sa nabunyag na pag-hack ng kontrobersyal na British tabloid.

Ipinasara ni Murdoch ang naturang pahayagan dahil sa kinasasangkutang iskandalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply