Ulat ni PNoy puro galit at panunumbat –Lagman

WALANG laman ang talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino sa unang taong panunungkulan nito, kundi panunumbat at galit.

Ito ang tahasang sinabi ni Minority Leader at Albay Rep. Edcel Lagman dahil nabigo ang pangulo na talakayin o iulat sa taumbayan ang ukol sa 16-point social contract  na nauna nitong inihayag para sa kanyang “good governance, economy, education, health,  justice and principal reforms.”

Ang nakakatawa pa ayon kay Lagman ay wala man lang umanong inilatag na programa ang pangulo para sa kabataan gayung ang Ultra ay napuno ng mga mag-aaral sa kolehiyo.

Maging ang mga kaalyado ni Pangulong Aquino mula sa progresibong grupo sa Kamara ay hindi rin kuntento sa unang taon ng panunungkulan ni PNoy.

Ayon kay Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan, hindi sila satisfied sa trabaho ng pangulo at mga gabinete nito dahil marami umanong sablay sa pamamahala ng pangulo  na ang katunayan ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at unemployment.

Bukod dito, nakababahala rin umano ang pagpu-pull out ng mga negosyo dahil sa magulong patakaran ng gobyerno.

Depensa naman ni House Deputy Speaker Erin Tanada, sa loob lang ng isang taon ay nasaksihan ng publiko ang determinasyon ng pangulo na labanan ang katiwalian at nanatili itong best choice ng publiko.

Giit naman ni Quezon Rep. Danilo Suarez, hindi na nakapagtataka kung nakapagsagawa ng mga programa gaya ng farm to market road at conditional cash transfer program si PNoy kahit isang taon pa lang nakapwesto sa Malakanyang dahil may sapat aniyang pondo ang pamahalaan na kanyang minana pa mula sa administrasyong Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply