Ulo ng ginang pisak sa ino-operate na makina

UTAS ang isang ginang nang maipit ang kanyang ulo sa ino-operate na makina sa isang pagawaan ng plastic sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Marilou Pingol, 36, machine operator, ng 720 Gen. San Luis Bgy. Kaybiga, Caloocan City, sanhi ng pagkadurog ng ulo sa moulding machine.

Sa imbestigasyon ni P03 Noli Albis, ng station investigation division, dakong 9:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng United Plastic Container Corporation, na pinagtatrabahuhan ng biktima sa Gen. San Luis Bgy. Kaybiga, nasabing lungsod.

Sa ulat, nasa finishing product na si Pingol at inooperate ang moulding machine nang maaksidente at maipit ang kanyang ulo sa makina.

Sa bilis ng pangyayari ay huli na nang makita ng kanyang mga kasamahan ang biktima na nakasalang na ang ulo sa makina.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply