Umawat sa nananakit ng bata, inutas

PATAY ang isang lalaki, habang sugatan ang anak-anakan nito matapos pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay nang awatin ng una sa  pananakit ng huli sa pamangkin na totoy sa Caloocan City, Sabado ng umaga, Hulyo 16.

Namatay habang ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa tiyan si Joseph Briones, 49, ng Phase 8B, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center sanhi rin ng saksak sa katawan si Rodebilio dela Cruz, 24, stepson ng biktima.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si August Galit, 34.

Sa ulat, dakong 11:30 ng umaga, lasing ang suspek at nang makita ang pamangkin na totoy sa labas ng kanilang bahay ay sinipa iyon ni Galit.

Nakita naman ni Briones ang pangyayari at naawa sa bata na naging dahilan upang awatin ang lasing na suspek.

Dito na nagalit ang suspek at nagbunot ng patalim bago pinagsasaksak si Briones kung saan nang makita ni Dela Cruz ay tinagkang tulungan ang ama-amahan subalit sinalubong din siya ng saksak ni Galit.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima JRH bago inilipat sa EAMC si Dela Cruz.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply