Dahil sa ban, smokers kumonti

NAGING matagumpay ang kampanya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mapaganda at malimitahan ang polusyon sa Metro Manila sa pamamagitan ng ikinasang smoking ban at beautification program ng ahensya.

Naging kapuna-puna na panakanaka at halos walang makitang nagsisigarilyo sa lansangan nang simulan ng MMDA ang ipinatutupad na anti-smoking law.

Ayon kay  MMDA spokesperson Tina Velasco, inumpisahan ng ahensya ang pagmo-monitor ng mga nagsisigarilyo sa kahabaan ng EDSA.

Lumabas sa talaan ng Department of Environment and Natural Resources  (DENR) na isa ang nasabing kalsada sa pinaka-“non-appealing area” sa Metro Manila.

Nabatid  naman na umabot na sa 200 naninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila ang naaresto sa unang araw ng implementasyon ng smoking ban matapos magpakalat ng anti-smoking team ang ahensya.

Kabilang sa mga nahuli ay  mga tsuper at konduktor ng mga public utility vehicle (PUV).

Matatandaang nagkaroon pa nga ng isang buwang awareness campaign noong Hunyo ang MMDA tungkol sa nasabing regulasyon.

Maliban sa mga tsuper ng dyipni at konduktor ng bus, ilang pulis din ang nahuli na naninigarilyo sa mismong loob ng Quezon City Police District Station 10. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply