Unang flyover sa Bacolod madadaanan na

MATATAPOS na ang pinakaunang flyover na masisilayan sa lungsod ng Bacolod makaraang sumapit na sa ikahuling bahagi ang pagtatayo nito panulukan ng Lacson Ave. at Lacson Circumferential Road sa nabanggit na lungsod.

Makalipas ang apat na buwan ng tuluy-tuloy na paggawa ng Department of Public Works and Highway na nagsimula pa noong Marso 5 para sa dalawang lane at 195 lineal meters Lacson-Circumferential Flyover, umabot na sa 92 porsyento ang natapos dito at madadaanan na ngayong Hulyo na nakatakda sanang matapos pa sa buwan ng Agosto.

Ayon kay Undersecretary Rafael C. Yabut, in-charge sa DPWH Project Management Office (PMO), ang proyekto na nagkakahalaga ng P365.436 milyon ay pinondohan sa pautang ng pamahalaan ng France at mga materyales na sinusuplayan ng supplier na Pranses Matiere S.A.S.

Ang partikular na proyekto ay makatutulong sa nagsisikip na trapiko sa lungsod ng Bacolod, lalo na tuwing panahon ng anihan ng tubo patungo sa mga sugar mills kung saan ito ang pangunahing daan patungo sa mga gilingan.

Babawasan din ng flyover ng mahigit sa 30 minuto ang biyahe mula Bacolod hanggang Silay Airport at pabalik gayundin patungo sa Banago Port na mag-aangat sa negosyo at turismo sa lugar. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply