Unang kaso ng leptospirosis sa Davao flashflood naitala

NAITALA ang kauna-unahang biktima ng leptospirosis sa nakaraang flashflood na tumama sa Matina, Panggi, Davao City noong Hunyo 29 nang malagutan ng hininga sa ospital ang

56-anyos na lalaki dahil sa naturang sakit.

Kinilala ang biktima na si Alfredo Directo, ng Matina Panggi, binawian ng buhay makalipas ang apat na araw na pakikipaglaban sa sakit na leptospirosis sa ICU ng Brokenshire Hospital.

Si Directo ay nakatira sa Matina, isa sa apat na barangay na malubhang tinamaan ng flashflood dalawang linggo na ang nakararaan kung saan 29 katao ang namatay at 13,746 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha.

Sinabi ng anak ni Directo na isinugod nila sa ospital ang kanilang ama dahil sa grabeng pagsusuka at pagdumi, ngunit bago pa noon ay sumasakit na ang ulo nito at kalamnan, subalit ayaw magpadala sa doktor sa hinalang trangkaso lamang ang nararamdaman.

Lumabas sa resulta ng laboratoryo ng biktima na positibo siya sa Leptospirosis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply