Unang panalo nadagit ng Cardinals

NAILIPAD ng Mapua Cardinals ang unang panalo sa NCAA men’s basketball tournament nang pasadsarin ang Emilio College Generals, 80-63, samantalang pinaluhod ng San Juan de Letran Knights ang St. Benilde Blazers sa tambak na 112-91 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City Miyerkules ng gabi.

Sa pagkakapanalo ng Muralla-based Cardinals ay nalagot ang apat na kabit-kabit na talo ng magtumpok sina Allan Mangahas at Josan Ninez ng 31 puntos.

Tumotal si Kevin Alas ng 19 points katulad ng output ni Jam Cortez at 18 ni Jonathan Belorio. Mahigpit na depensa ang pinagana ni coach Louie Alas para mapigilan ng husto ang Blazers.

Si coach Gerry Esplana at ang kanyang Generals ay nalaglag sa 2-2 win-loss standing sa hindi paglalaro ng team skipper na si Claude Cubo na nagsisilbi sa kanyang isang game suspension na naipataw sa laro nila laban sa Lyceum Pirates.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply