Unang panalo pakay ng JRU at MIT

PLANO ng Jose Rizal University, (JRU) Heavy Bombers at Mapua Cardinals na sungkitin ang unang panalo upang makasama sa winning column ng nagaganap na season 87 ng NCAA seniors basketball sa Fil-Oil Flying V sa The Arena San Juan City, bukas, Miyerkules.

Galing sa dalawang sunond na talo ang Heavy Bombers kaya naman inaasahang magpapasabog sa opensa ang kanilang mga key players kontra Emilio Aguinaldo College Generals sa ganap na 2 ng hapon.

Nabigo ang JRU sa San Sebastian College Stags, 67-73 sa opening day ng nasabaing pinakamatagal na liga sa bansa at sumunod ay sa Arellano University Chiefs, 75-79.

Sasandal ang Bombers kina forward John Lopez na tumikada ng double-double performance, (17 pts. at 13 rebounds) kontra Chiefs at Ronnel Carampil na siyang nag-top scorer, (19 pts. at four boards) laban sa Stags.

May 1-0 win-loss slate naman ang Generals ng tambangan nila ang AU, (78-73) noong Hulyo 4.

Samantala, 0-1 panalo talo karta ang Cardinals matapos silang daigin ng Colegio de San Juan de Letran Knights, (65-76) sa day 1 ng liga.

Sasagupa ang Cardinals sa ganap na 4 ng hapon kontra wala pa ring panalong College of Saint Benilde Blazers, (0-2 win-loss card) kung saan ay hindi maglalaro ang Fil-Palestinian rookie ng una na si Yousef Taha dahil suspendido ito ng isang laro.

Nakuha ni Taha ang suspensiyon matapos nitong batuhin ng bola si Kevin Alas ng Letran sanhi upang matalo ang kanyang koponan.

Pihadong mangangalabaw sa opensa si Cardinals guard Allan Mangahas dahil sa
pagkawala ni Taha.

Si Mangahas ang umibabaw sa opensa ng Cardinals, (23 puntos, walong rebounds at dalawang steals) laban sa Letran.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply