(Update) 31 na patay sa flashflood sa Davao

UMAKYAT na sa 31 katao ang kumpirmadong patay sa naganap na flashflood sa Davao City ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council sa nangyaring malaking pagbaha apat na araw na ang nakalilipas.

Kabilang sa mga nagdadalamhati ngayon ay si M/Sgt. Lucio Taño, kasapi ng 39th Infantry Battalion  Philippine Army na nakatalaga sa Davao del Sur.

Ayon sa kanya, dalawa sa kanyang anak ang patay at kabilang sila sa mga huling natagpuang casualty, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Hazel, 16 at Keng Angelo.

Sa salaysay ni Taño, gabi nang magbaha ay nakapag-text pa si Hazel sa kanya at isinalaysay kung paano mabilis na tumatas ang tubig baha kaya kailangan nila ng tulong  dahil lumulubog na sila.

Bunsod ng paghingi ng saklolo ng kanyang anak ay halos liparin niya umano sakay ng single motorcycle Digos sa Davao del Sur, subalit laking hinagpis ng sundalo sa kanyang pagdating  dahil lampas tao na ang baha sa kanilang bahay at hindi na siya nakapasok pa.

Kinabukasan, nalaman na niya na kabilang ang kanyang dalawang anak sa naitalang missing sa kalamidad.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply