Update: Death toll kay ‘Juaning’ umakyat na sa 27

UMABOT na sa 27 ang bilang nga mga nasawi dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Juaning sa katimugang bahagi ng Luzon kabilang ang ina ni Gov. Joey Salceda.

Pinakamalaking bilang ng mga nasawi ay naitala sa Bicol region na tinuturing na “badly hit areas” na nakapagtala ng 21 patay.

Naitala ang 15 namatay sa Region V, walo rito ay galing sa Albay, dalawa sa Catanduanes, isa sa Camarines Sur at lima sa Camarines Norte.

Sa Region IV-A naman ay may tatlong patay na sa Cavite, dalawa sa Quezon Province, isa Region 4B sa Marinduque at isa sa Region 6 sa lalawigan ng Iloilo.

Ayon sa NDRRMC may 31 katao ang inulat na nasaktan sa dalawang araw na pananaalsa ng bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply