UPDATE: Hagupit ni ‘Juaning’: 14 patay, 31 sugatan, 9 missing

LUMOBO na sa 14 ang bilang ng nasasawi habang 31 ang sugatan at siyam na ang nawawala sa paghagupit ng bagyong Juaning sa Southern at Central Luzon.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRM) Executive Dir. Benito Ramos, nadagdag sa kanilang death toll ang dalawang bata na namatay matapos umanong tamaan ng kidlat sa Carmona, Cavite na kinilalang sina Mary Grace Gilantes at Michael Miñoza.

“Kahapon, 12 ang bilang ng mga namatay, ngayon 14 na. Nadagdag sa ating talaan ang dalawang bata na tinamaan ng kidlat sa Carmona, Cavite,” base sa panayam sa radyo ni Ramos.

Samantala, umakyat naman sa 31 ang bilang ng mga nasugatan at 9 pa ang patuloy na pinaghahanap ngayon.

Ayon kay Ramos, kabilang umano sa mga missing ang isang siyam na taong batang lalaki na sinasabing natangay ng malakas na agos ng ilog habang naliligo sa Lucena City.

Kaugnay nito, patuloy naman ang babala ng NDRRMC sa mga lugar na tatamaan ng land fall ni Juaning partikular sa Polillo Island at Quezon-Aurora area.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply