Uriarte umamin sa PCSO funds mess

INAMIN ni dating Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte sa Senado na siya mismo ang gumawa, lumagda at kumuha ng multi-milyong pondong inaprubahan ng ahensiya para gamitin bilang intelligence funds mula 2009 hanggang 2010.

Sa kanyang pagdalo sa ginaganap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III, sinabi ni Uriarte na siya mismo ang gumawa, lumagda at kumuha ng tseke na nagkakahalagang P73.9 milyon noong 2009 at P138.2 milyon nitong 2010.

“Yes your honor, I confirmed that.” Ayon kay Uriarte sa tanong ni Sen. Franklin Drilon hinggil sa ilang tsekeng inilantad nito sa pagdinig.

Ayon kay Drilon na noong Abril 2, 2008, gumawa si Uriarte ng ilang tseke sa PCSO mula 2008 hanggang P2010 bilang intelligence funds na nagkakahalaga ng P325 milyon at iba naman ay kinuha sa pondo ng public promotions funds ng ahensiya saka kinuha ang halaga.

Noong Abril 2, 2008, gumawa, ipinalabas at kinuha ni Uriarte ang halagang P25 milyon; P50 milyon noong Abril 13, 2008, P50 milyon noong Enero 19, 2009, P10 milyon noong Abril 27, 2009; P10 milyon nopong July 2, 2009 at naaprubahan lamang ni Pangulong Arroyo noong February 22, 2010.

Idinagdag pa ni Drilon na noong Enero 3, 2010, kinuha naman ni Uriarte ang P150 milyon mula sa 20% ng kabuuang badyet ng public promotions funds, limang buwan bago maganap ang 2010 presidential election noong Mayo 10, 2010.

Para sa kanya, sinabi naman ni Uriarte na umabot lamang sa  P73.9 milyon ang kanyang nagamit noong 2009 at P138.2 milyon naman nitong 2010 at ginamit ang pondo para sa 2010 sa loob ng pitong buwan bago siya palitan bilang general manager ng ahensiya.

Aniya, ginamit ang naturang pondo upang kumalap at bumili ng intelligence information dahil nagsimula na ang operasyon ng small town lottery dahil maraming indibiduwal ang gumagamit ng loterya sa illegal gambling.

“In 2010, we realigned fund from the promotions para masugpo ang illegal number games at mapalaganap ang small town lottery since we embarked the STL at may advocacy part pa ito,” ayon kay Uriarte.

Dahil dito, hiniling ni Guingona kay Uriarte na magsumite ng kabuuan o lahat ng intelligence report na ginawa nito hinggil sa paggamit ng naturng pondo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply