US dinurog ng Spain sa Davis Cup Semis

NAKATIYAK na ng puwesto ang Spain sa Davis Cup semi-finals na makakaharap pa ang France nang madale ang unbeatable 3-1 lead laban sa United States kanina.

Si David Ferrer ay sinelyuhan ang table para sa Spain, na naglaro nang wala si top-ranked player Rafa Nadal, nang talunin si Mardy Fish 7-5 7-6 5-7 7-6 sa una ng dalawang two reverse singles.

Nabatid na ang dead rubber ay paglalabanan naman nina Andy Roddick at Feliciano Lopez.

“Spain have never beat USA in this country,” pahayag ni Spain’s non-playing captain Albert Costa. “To win against Roddick, Fish and the Bryans, I think this is a great team. For us it’s historic.”

Una nang nanalo ang Spain sa dalawang opening singles matches para makontrol ang tie ngunit nakakita ng pag-asa ang Americans sa best-of-five tie nang ang kambal na sina Bob at Mike Bryan ay nanalo sa doubles.

“I’m very proud of all the guys for all the efforts they put in all the matches. We definitely laid it all out there,” pahayag naman ni U.S. captain Jim Courier. “We were ahead in a lot of sets but that’s never a guarantee against players that are strong and players that are professional.”

Matatanda na ang Spain, nanalo sa Davis Cup nang apat na beses noong 2000, 2004, 2008 at 2009, ay iho-host ang France sa semi-finals sa September matapos na talunin din nila ang Germany 4-1.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply