US diplomat, sundalo sugatan sa nagsalpukang motorsiklo

KAPWA sugatan ang isang American diplomat at sundalo nang aksidenteng magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo Linggo ng gabi sa Taguig City.

Batay sa paunang ulat, minamaneho ni Navy 2nd Lt. Wyler Urmaneta ang kanyang motorsiklong Honda Wave sa kahabaan ng Lawton Ave., Fort Bonifacio nang aksidenteng sumalpok sa big bike na BMW ni Allan Paul Holmes.

Ayon sa nakalap na report mula sa Southern Police District Office (SPDO), ang insidente ay naganap dakong 6:30 ng gabi. Paliko umano sa Lawton Ave. si Holmes nang makabanggan si Urmaneta.

Dahil kapwa mabilis ang pagpapatakbo, hindi na nakuhang umiwas ng dalawa kaya’t nagkasalpukan na nagresulta sa pagkasugat ng mga ito.

Sina  Urmaneta at Holmes ay dinala sa Naval hospital para malapatan ng lunas ang kanilang mga sugat sa binti, ulo at braso. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply