US nakinabang sa panalo sa lotto ng Fil-Am

IMBES na sa kaban ng yaman ay sa gobyerno ng Estados Unidos napunta ang mahigit P200-milyon tax revenues mula sa P741-milyon lotto jackpot na pinanalunan ng isang balik-bayan. 

Ito ang isa sa mga dahilan kaya iminungkahi nina Reps. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Party list, Abante Mindanao) ang pagtatanggal ng tax exemption sa panalo ng sweepstakes at lotto sa bansa para umano matulungan ang gobyerno na makalikom ng buwis.

Ayon sa magkapatid ng kongresista walang magiging dahilan para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang nanalo sa lotto kung sila ay bubuwisan dahil ito ang sinasaad sa batas na dapat itong may buwis.

Idinahilan ng magkapatid ang Republic Act 8424 na kilala din sa tawag na Tax reform Act of 1997, na ang ibig sabihin ay taxable “gross income” ng section 32.

Ang taxable gross income ay ang lahat ng income na nanggaling mula sa anumang source, kasama subalit hindi limitado sa kompensasyon para sa serbisyo o kahit anong uri ng binayaran, gross income na nanggaling mula sa negosyo, sa propesyon; property; interest; renta; royalties; dividends; annuities; prizes, winnings at pension at bahagi mula sa net income sa general professional partnership.

Ang pagpataw ng buwis sa malaking jackpot prizes ng lotto ang buwis na kailangan ng gobyerno, sabi ni Rodriguez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply