US napalabas ng panibagong travel advisory vs Pinas

NAGPALABAS ng panibagong travel advisory ang Estados Unidos laban sa Pilipinas lalo na sa lalawigan ng Mindanao dahil sa naganap na pagdukot sa mag-inang American nationals at pamangkin nito sa
Zamboanga City.

Batay sa ulat ni US embassy spokesman in Manila, Alan Holst, wala pa umano silang natatanggap na impormasyon kaugnay sa kalagayan ng mga biktima na hanggang ngayon ay nananatili pa sa kamay ng mga kidnappers.

Mariin ding pinabulaanan ng embahada na nakausap na ng mga biktima ang hostage taker na humihingi ng $10 million ransom money.

Ipinarating pa ng embahada na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pamatukoy ang tunay na kinaroroonan ng mag-ina pati na ang pamangkin nito

Sa ngayon hindi pa rin matukoy kung saang lugar dinala at itinatago ang mga kidnap victims na sina Gerfa at anak nitong si Kevin Lunsmann at ang Pilipinong pamangkin na si Romnick Jakaria. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply