Usaping paghahati sa CamSur umiinit

LALONG umiinit ang usapan tungkol sa paghahati sa lalawigan ng Camarines Sur matapos magpahayag ang dalawang kampo na kani-kanilang mga opinyon.

Kasalukuyang dinidinig ang House Bill No. 4820 na naglalayong maghati sa naturang probinsiya. Ito ay pinangungunahan ni Cong. Arnulfo Fuentebella.

Ayon kay Fuentebella, 24 sa 35 mayors ng lalawigan ay sumusuporta sa naturang panukala. Kinontra naman ito ni Gov. L-Ray Villafuerte dahil ang paghahati sa probinsiya ay dahil lamang sa politika at lubhang maaapektuhan ang economic growth ng lalawigan.
Kapag nahati umano ang CamSur, mahahati rin ang dating first class province sa dalawang mahihinang probinsiya.

Base naman sa datus ni Fuentebella, ang gagawing bagong probinsiyang Nueva Camarines ay kaaagad magiging first class province dahil ang kita umano ng mga bayan na masasakop ng bagong lalawigan ay umabot ng P600 milyon sa nakaraang apat na taon.

Dagdag pa ng dating House Speaker, 90 porsiyento ng mga kapitan ay suportado ang kanyang panukala. Sinusuportahan din ito ng tatay ni Gov. Villafuerte na si Rep. Luis R. Villafuerte.

“Ninety percent of the barangay captains openly support this measure, including those in coastal areas that have long been neglected by the provincial government such as in the municipalities of Caramoan, Siruma, Garchitorena, Presentacion and North Lagonoy,” pahayag ni Fuentebella

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply