Usaping pangkapayapaan ipinatutuloy na

NAIS ni Senador Francis Pangilinan na matuloy na ang usaping pangkapayapaan makaraang magkaroon ng aberya kung kaya ipinagpaliban ito.

Ayon kay Pangilinan, nakipagpulong siya sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa headquarters sa Utrecht sa Netherlands noong July 7, dahil sa naniniwala siyang maipagpapatuloy ang usapang pangkapayapaan.

“Nagkaroon ng aberya. We took the initiative to go there after conferring with our government representatives,” Ani Pangilinan.

Isang panukala ang ipinakita ng Senador para maresolba ang problema sa socio-economic at political problems na ipinaabot kay NDFP Chief Political Consultant Prof. Jose Maria Sison na pinaburan naman ni NDFP Negotiating Panel Chairperson Luis Jalandoni.

Kasunod ng pagtiyak ng dalawang opisyal ng NDFP na masusi nilang pag-aaralan ang proposal ni Pangilinan para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan upang maharap naman ang iba pang problema sa bansa sa ilalim ng administrasyong Aquino.

“No progressive nation became prosperous while facing armed conflict. The peace initiatives during the Ramos presidency created a window of opportunity for development in Mindanao. We would not have developed cities such as General Santos, Cagayan De Oro, and Davao City if it weren’t for this ceasefire agreement.” ani Pangilinan.

Binigyang diin ni Pangilinan na halos dekada na ang pakikipag-ugnayan sa NDFP noong panahong aktibista pa sa ilalim ng Marcos dictatorship at alam niya kung ano ang ipinaglalaban ng mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply