Utak wang-wang at binhi ni PNoy

ANG wang-wang ay simbolismo ng katiwalian sa naging Sona– State of the Nation Address ng Pangulong Noynoy.

Kaya’t naging malakas ang tunog ng wang-wang sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Ayon kay PNoy, ito ang dapat imbestigahan at lapatan ng parusa ang mapatutunayang nagkasala, sukdulang sabihing pinipersonal ang laban.

Para kay PNoy, ang paggawa ng tama ay personal na krusada.

Mahaba ang Sona ni PNoy sa paghalungkat at pag-urirat sa malakas na tunog ng wang-wang.

Nabingi ang lahat sa paulit-ulit na litanya ng kabulastugan.

Pero, ito ay maikli sa plano kung talagang saan patungo ang tuwid na landas.

Walang giya at konkretong plano kung paano magiging maunlad ang buhay ng mahihirap sa kanayunan ng ating lahi.

Ibinandila ang tagumpay ng CCT– Conditional Cash Transfer sa mahihirap na pamilya at kanilang mga anak.

At anak na hindi naman nakatatapos ng pag-aaral.

Ang CCT ay pansamantalang lunas at hindi kayang ituloy ng gobyerno sa habang panahon.

Ang sigaw ng bayan ay trabaho, trabaho at trabaho na hanggang ngayon ay hinahanap pa ng masang Filipino.

Tama na tayo ay magkaroon ng pagtitipid.

Naging maayos daw ang fiscal management ni PNoy.

Ang problema, dahil sa pagtitipid – hindi naman naipatupad ang kailangang mga proyekto, lalo na sa kailangang infrastructure development.

Noon ay nakiusap si PNoy sa Kongreso na pag-tibayin ang 2011 badyet.

Pero nang ito’y aprubahan, sila mismo ang bumubusisi sa badyet na kanilang iniharap at tuloy hindi naipatupad ang mga dapat gawin.

Isa sa mga halimbawang kailangan ay ang silid-aralan para sa ating mga batang mag-aaral.

Tinatayang 90 billion pesos ang natipid ni PNoy mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. (Itutuloy)

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply