Utak wang-wang sibak na kaya dapat mag-tenkyu ka?

OKI naman ng konti ang  ispits, este, State of the Nation Address ni Pangulong Noynoy.

Nagsimula siya sa utak wang-wang at nagdi-end sa utak alimango.

oOo

Nilagyan ni PNoy ng ekstensyon ng kahulugan ng masamang paggamit ng wang-wang.

Simbolo umano ng masamang wang-wang ng pang-aabuso,  pagnanakaw  at pagsasamantala.

Ang wang-wang umano ay hindi lang sa kalsada ginagamit kundi sa loob ng mga opisina at bukirin ng gobyerno at sa pribadong mga kompanya at propesyon.

Ngayon ay winawasak na umano ito at hindi lang niya hahabulin kundi ipakukulong ang mga may masamang wangwang sa tulong ni Madam Conchita.

Malinis na umano ang gobyerno at hindi na abusado.

oOo

Sabi ni PNoy, dahil malinis na sa wangwang ang gobyerno, dapat nang magpasalamat na ang lahat kay PNoy at sa lahat ng mga pablik serbant niya.

Ganun ba iyon?

Hek-hek-hek, iba ang nakikita ni Juan, Mr. President.

Tanggalin po ninyo ang inyong barong, mag-disguise kayo, maglagay kayo ng wig at huwag kayong magpasama sa mga PSG.

Humawak kayo ng manibela ng jeepney o trak.

At tingnan ninyo kung ano ang gagawin sa inyo ng mga pulis at trapik enporser.

Mamili kayo ng biyahe bilang partida: gabi o araw.

Wala po kayong maiuuwi na bawndary para sa inyong pamilya, kung may pamilya sana kayo.

Tiyak na mabubuwisit kayo sa tongpats at sa pananakot ng mga pulis at trapik enporser.

At ang “malinis” na gobyerno ay waepek sa mga kompanya ng langis na kung humoldap sa mga dyipni drayber ay ganun na lamang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply