Uzbekistan nilindol ng magnitude 6.2: 13 patay, 86 sugatan

NASAWI ang 13 katao habang 86 ang sugatan makaraang lindulin ng may magnitude 6.2 ang Uzbekistan kahapon, Hulyo 20.

Nabatid sa ulat ng U.S. Geological Survey, naitala ang epicenter ng lindol 42 kilometro (25 miles) timogkanluran ng Fergana City kung saan nagdulot ng pinsala sa mga lumang gusali ang naturang pagyanig.

“As a result of the earthquake, some old buildings were destroyed in the Fergana region,” pahayag ng Uzbek emergencies ministry.

Kasalukuyan namang binibigyan ng lunas ang mga nasugatan partikular ang 35 na isinugod sa ospital.

Ang Ferghana valley na nahahati sa Uzbekistan, Tajikistan at Kyrgyzstan ay siyang may pinakamaraming populasyon sa Central Asia.

Tumagal ng 15 segundo ang pagyanig.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply