Valerie 16-anyos nang mabaliw, mabuntis

NAKARE-RELATE si Valerie Concepcion sa pagbubuntis ngayon ni Andi Eigenmann dahil dumaan din siya sa ganitong kalagayan. Pero dahil magaling ang manager niya at  talented din siya kaya nakabalik ito at ngayon ay kasama sa numero unong teleseryeng “100 Days to Heaven.”

“I was 16 then nung nabuntis ako, buti nga siya 21 na eh. Ako natuwa ako noong itinuloy niya kasi not a lot of teenagers or young ones na panindigan o magdesisyong panindigan yon. Lalo na siya maganda ang career niya, pataas at kapapanalo lang ng awards. She chose life, so hanga ako sa kanya sa part na iyon,” reaksyon niya nang dumalaw kami sa shooting ng “Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga” na pinagbibidahan ni Gov. Jorge ER Ejercito Estregan.

‘Yung time  na nabuntis siya, naisip  ba niyang ‘wag nang ituloy? “Wala, never kong naisip yun. I was so in love with the father of my kid. Noong nabuntis niya ako ang feeling ko magpapakasal na kami. Oo ganoon ako kapraning before kaya lang biglang na-lost,” sambit niya.

“Kung magbibigay siya ng advice kay Andi, ano ibibigay niya?

“Ako, sige lang just be strong, the fact na pinili niya yung life, blessing yun e, ang mga anak gift yun e, the fact na pinili niya yun over anything else na sasabihin ng mga tao sa career niya sa kanya, ibi-bless na siya ni God. Ako simula nang magkaanak ako, I feel so blessed. So never ko, o I have no regrets o never na pinagsisihan ang ginawa ko. At habang nabubuhay may pag-asa,” sey pa niya.

Anyway, sasabak na naman sa kissing scene si Valerie bilang kerida ni Gov. ER sa Asiong Salonga.

“I’m the second lover of Asiong Salonga because he has four girls here—Carla Abellana, me, JC Parker and Paloma. I’m the second wife, ‘yun ‘yung talagang passion ni Asiong, siya ‘yung love of his life more than the first wife. Kumbaga ‘yung first wife kasi responsibility dahil may anak siya roon. Pamilya ‘yun eh, pero ‘yung talagang love niya, ‘yung second wife niya, ‘yung tipong noong nakatakas siya sa kulungan ang unang pinuntahan niya, ‘yung second wife niya, bago pa si first wife.

Super sexy ba siya sa movie?

“Hindi masyado, pero yung mga sexy outfit lang kasi 1950’s itong pelikula e, so ang sexy lang doon eh yung kamison, hahaha, so mga ganoong lang.

So, kumusta naman ang pakikipagtrabaho kay Gov. ER? “Okey naman. Once pa lang kasi kaming nagtrabaho kaya ganoon katipid ang sagot ko.”

“Si Gov marami siyang inputs dito sa pelikula eh. He’s really into film, very hands-on siya. Sobra ang dedication nya roon sa work, kasi mayroon pa siyang ipinakikitang video sa akin na sinasabi niyang ganito ang gusto kong mangyari sa film natin at maipakita natin bilang tayo sa film. S’ya yung passion, he’s very into it talaga.”

Napanood na ba niya ‘yung original Asiong Salonga na pinagbidahan ng dating Pangulong Joseph Estrada?

“Hindi pa nga po e. Kailangan kong panoorin eh kasi po ako raw yung kakanta ng La Paloma. Eh ang La Paloma before ‘yung first wife ang gumawa. Tapos ngayon dito ako na.”

Nagkita na  ba sila ni Carla Abellana (first wife) o may eksena na dila? “Oo noong first shooting.”

May confrontation na sila? “Wala, pero ipinakita ‘yung tensiyon sa aming dalawa kasi magkakilala kami at alam namin parang ganoon na ako ang mistress,” sey pa niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply