Van sumalpok sa resto: 2 sugatan, 1 patawirin

SUGATAN ang dalawa katao habang isa ang nasa malubhang kondisyon makaraang sumalpok ang isang Starex van sa mini-restaurant kaninang madaling araw, Hulyo 20, sa Brgy. Bata, Bacolod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sugatan ang mag-ama na sina Elmer at John Elmer Tandoy, 18, at ang kanilang houseboy na si Diosdado Pancho na naghihintay ng tricycle sa labas ng restaurant nang hagipin sila ng naturang van bandang 5:00 ng madaling-araw.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga biktima at umano’y nasa malubhang kondisyon ang ama na si Elmer.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng van at iniimbestigahan kaugnay sa naturang aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply