VAT sa toll rate pinayagan ng Korte Suprema

PINAYAGAN na ng Supreme Court (SC) ang pagpapatupad ng VAT sa mga toll rate.

Sa unanimous decision ng SC nuong ika-19 ng Hulyo na pinonente ni Justice Roberto Abad, nagpasya ang mga mahistrado na ang toll rates ay sakop ng VAT.

Kaugnay niyan ay ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyong inihain nina dating Nueva Ecija Congressman Renato Diaz at dating Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Aurora Timbol na nagsasaad na hindi naman kasama sa mga serbisyo na dapat patawan ng VAT salig sa Comprehensive Tax Reform Act of 1997 at Expanded Value Added Tax Law.

Tinukoy ng Korte Suprema na hindi nasapawan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kapangyarihan ng lehislatura sa pagpapatupad ng VAT sa tollways.

Pinuna rin ng hukuman ang kawalan ng batas na nag-eexempt sa tollways mula sa VAT.

Kasabay niyan ay pinagtibay naman ng KS ang kapangyarihan ng Ehekutibo na magpatupad ng VAT sa franchise grantee gaya ng tollway operators na nagsimula noon pang 1994 nang maisabatas ang RA 7716 or the Expanded Value Added Tax Law.

Kaakibat ng nasabing desisyon ng hukuman ay ang pagbawi sa TRO na ipinalabas laban sa pagpapatupad ng VAT sa toll rate na inisyu noong ika-13 ng Agosto, nakaraang taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply