Vice commander ng army patay sa atake sa puso

NAGLULUKSA ngayon ang army matapos pumanaw ang kanilang vice commander na si Major General Rudival Cabading makaraang atakehin sa puso kagabi.

Ayon kay Army Spokesman, Col. Antonio Parlade Jr., natagpuang walang malay ang heneral sa comfort room ng kanyang bahay sa AFP Officers Village bago mag-10:00 kagabi.

Agad itong isinugod sa Fort Bonifacio General Hospital subalit idineklarang wala nang buhay bago mag-alas-12:00 ng hatinggabi.

Si Cabading ay hinirang bilang 22nd Vice Commander ng Army noong Hulyo 11.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply