Video karera machines sinamsam ng QCPD

TATLONG ng video karera ang nasamsam ng operatiba ng Quezon City Police District-QCPD habang apat sa iligal na makina ang naipuslit ng operator nito sa pagsalakay sa Novaliches, kagabi.

Kabilang ang mga miyembro ng Novaliches District Press Corps-NDPC nang salakayin ang iba’t ibang lugar na pinaglagyan ng nasabing iligal na video karera.

Bago nito, tinungo ng mga media practitioner ang tanggapan ni P/Supt. Marcelino Pedroso Jr. hepe ng Police Station 4 upang iparating sa kanya ang sumbong na marami ang nagkalat na iligal na sugalan sa kanyang nasasakupan.

Dahil dito, agad ipinag-utos ng hepe sa kanyang mga tauhan na salakayin ang mga lugar at dalhin ang mga sinasabing video karera sa himpilan.

Sa lugar, nakumpiska sa pangunguna ni P/Chief Insp. Felixberto Jose ang isang unit na makina sa loob ng N-Mark, Quirino Highway, ikalawa sa terminal ng Tricycle na may biyaheng Brgy. Nagkaisang Nayon TODA at ang ikatlo ay sa Shop and Ride,  ilan metro lamang ang layo sa Police Station 4 pasado alas 12: 30 ng madaling-araw.

Ikinatwiran ni P/Chief Inspector Jose bilang  Night Watch ng nasabing himpilan na mayroong lapses ang kapulisan sa pagsugpo sa naturang video karera dahilan sa marami pang dapat na tutukan ang mga awtoridad sa lugar tulad ng robbery at iba pa.

Isinagawa ang pagsalakay ayon na rin sa reklamo ng mga residente sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply