Villanueva makikipagbangasan sa Indonesian

NAGBANTA si Filipino knockout artist Lorenzo Villanueva na patutulugin niya si Indonesian veteran Eddy Comaro sa kanilang paghaharap sa Sabado.

Si Villanueva na pinaluhod ang 19 sa 21 kalaban ay makikipagsubukan kay Comaro sa undercard ng Pinoy Pride 7 sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City kung saan bibida sa main event si AJ “Bazooka” Banal na haharap kay Canadian Tyson Cave.

Ayon naman sa mga handler ni Villanueva,  itinuturing din nila itong pinakamahirap na pagsubok sa boxing career ng kanilang alaga.

“It could be his toughest fight as Comaro is tough,” ayon kay ALA Promotions president Michael Aldeguer.

Naniniwala naman si Aldeguer na kaya ni Villanueva na talunin ang kalaban.

“He has improved and has been working hard on his skills and technique,” ayon kay Aldeguer.

Si Comaro ang nagpahirap kay Jason Pagara sa kanilang pagbangasan isang taon na ang nakararaan sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Kahit na nahirapan, naitakas naman ni Pagara ang majority decision win laban kay Comaro.

Kabilang sa mga naka-spar ni Villanueva sa paghahanda laban kay Comaro ay sina Pan Asian Boxing Association bantamweight king Roli Gasca, Larry “Bon Jovi” Canillas at James Bacon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply