Villar, Zubiri, Arroyo ‘no show’ sa SONA ni PNoy

HINDI dumalo sa state of the nation address (SONA) ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sina senators Joker Arroyo, Manny Villar at Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Senador Joker Arroyo, matagal na umano siyang hindi dumadalo sa SONA, panahon pa umano ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, sinabi naman ni Villar na panonoorin na lang umano niya sa telebisyon ang SONA ni Pangulong Aquino upang marinig nito kung ano ang mga sasabihin at ipapangako ng Pangulo.

Maliban sa mga nabanggit na senador, lahat ng mga kasamahan nilang mambabatas sa Senado ay dumalo sa SONA ni Pangulong Aquino.

Bagama’t hindi nakadalo sa pagbubukas ng second regular session ng 15th Congress si Senadora Miriam Defensor-Santiago, dumalo naman ito sa SONA ni Pangulong Aquino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply