Viloria bagong WBO flyweight champion

IPRINOKLAMA si dating International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) light flyweight world champion na si Brian “The Hawaiian Punch” Viloria bilang bagong World Boxing Organization (WBO) flyweight champion nang talunin si Julio Cesar Miranda ng Mexico.

Sa unang round pa lamang ay pinabagsak na ni Viloria si Miranda sa pamamagitan ng isang right hook.

Halos kabuuan ng rounds ay dinomina ni Viloria ngunit pagdating ng round eight ay nakabawi ang Mehikano at binigyan ng magagandang kombinasyon ang The Hawaiian Punch.

Kung maalala, nagkakaroon ng problema si Viloria lalo na’t pagdating sa mga huling rounds ay bumibigay ang resistensiya nito.

Pagkatapos ng 12 rounds, ibinigay ng mga tatlong judges ang panalo sa Filipino-American sa score card na 98-91, 96-93, 97-93.

Dahil sa panalo, hawak ngayon ni Viloria ang titulong WBO flyweight champion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply