VK cop ng Calamba City, hindi mabuwag ang mga VK

WALA raw takot na nag-ooperate ng sangkatutak na video-karera itong isang Sgt. Oruga ng S2 ng Sta Cruz, Laguna-PNP sa San Cristobal, Calamba City.

Hindi raw natatakot si Sgt. Oruga dahil wala siyang ipinagmamayabang kundi isa siyang opisyal ng Laguna-PNP. Ipinamamalita rin umano ni Oruga na bukod sa isa siyang police official ay malakas din siya kay Mayor Jun Chipeco.

Mantakin ninyo, kung hindi ba naman ubod ng lakas ang mamang pulis na ito. Kahit ilang beses na siyang  inirereklamo ng mga constituent ng Calamba ay hindi raw natitinag ang mga inilatag nitong mga makina sa nasabing bayan.

Maging si Laguna Provincial Director Supt. Gilbert Cruz ay walang ginagawang aksyon. Sa halip ay nagbibingi-bingihan sa mga reklamo ng mga taga-Calamba City.

Ano ba yan, Laguna Gov. ER Ejercito, gaya ka rin ba ng mga opisyal mo sa Laguna na pawang mga ‘inutil’ sa pagsugpo ng mga bisyo gaya ng mga vk sa Calamba?

O baka naman natatakot lang kayong banggain ang sangkaterbang makina na inilatag ni Sgt.Oruga? (Itutuloy)

PROTECTOR  AT TONG-COLLECTOR

Kaya hindi tumitigil sa pag-ooperate ng iba’t ibang bisyo ang mga gambling operator sa Bulacan ay dahil sa patuloy umano ang ginagawang pagpoproteksyon at panghihingi ng tong collection ang mag-among Supt. Quelates ng S2 at PO1 Mamangon sa mga iligalista sa Bulacan.

Lantaran at walang takot  kung mangolekta sa lahat ng mga night club na may bold shows, beerhouse, pasugalan pati na ang mga bocha ng baboy, tupada, pula’t puti, monte at sabungan. Walang ginagawa rito si Bulacan PD Supt. Fernando Mendez.

Ay pulis nga naman!!!

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 09189274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply