Wa aksiyon si Col. Rasauro Aceo

HANGGANG ngayon, hindi pa inaaksiyunan ni S/Supt. Rosauro Aceo ang idinadaing ng mga Batangueño na nagkalat na iligal sa Batangas.

Walang pumapaltos na araw na walang isinusumbong ang mga ‘ala e’ nating mga informant tungkol sa operasyon ng sugalan sa lalawigan.

Bukod sa tinalakay na nating mga reklamo, nadagdagan na naman ang ating listahan ng mga sugalan na isinusumbong sa Chokepoint.

Sa bayan ni Lemery Mayor Larry Alilio, inirereklamo ang pergalan sa Barangay Sambal na pag-aari raw ng isang ‘Reden’.

Mantakin mo, lantaran ang operasyon ng pergalan na ito, pero walang aksiyon na ginagawa sina Mayor Alilio at police C/Insp. Ochoa.

‘Di kaya alam nina mayor at C/Insp. Ochoa na napakaraming kabataan ang nalululong sa mga sugalan ng pergalan na ito?

Kalaskas, sakla, skylab, beto-beto at ilan pang uri ng sugal na nilalaro sa pergalan na yan ni ‘Reden’, ayon sa mga residente.

Sa bayan naman ni Bauan Mayor Ryan Dolor, isang ‘Aling Tina’ naman ang operator ng pergalan na makikita sa Brgy. San Roque.

Katulad nina Mayor Alilio at C/Insp. Ochoa, ‘di rin kumikilos sina Mayor Dolor at Supt. Alfredo Dagani para ipahinto ang naturang pergalan.

Naku eh, Col. Dagani, nakikita raw ang ilang marked vehicle ng Bauan na umiikot at humihingi ng ‘lagay’ kay ‘Aling Tina’.

Sobrang garapal naman ang mga pulis na yan na sakay pa ang mga police car sa kanilang panghihingi ng ‘tong’ sa mga iligal.

Sakop naman ni Batangas City police chief Supt. George Dadulo ang tupadahan na  lantarang nag-o-operate.

Ang nasabing tupadahan na matatagpuan sa ilalim ng tulay, Calumpang bridge, sa Brgy. Pallocan ay 24/7 daw ang operasyon.

Bukod sa pasabong, may mga palaro rin daw na beto-beto, kalaskas, skylab, sakla at kung ano-ano pang klase ng sugal.

Ang matindi, ginagawa na rin daw na pugad ng shabu users ang nasabing tupadahan. Col. Dadulo, aba’y, sobra na yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply