Walang coup plot at aksyon ng DND

BUDGET NG DND —Department of National Defense ay mahigit sa 100 billion pesos. Ang apatnapung porsiyento (40%) nito ay napupunta sa retirement benefits ng mga sundalo.

Apat hanggang limang libong sundalo ang nagreretiro taon-taon. Bukod sa pagkakautang ng DND sa military retirees, 24 billion pesos ang inilaan sa taong ito at 16 billion naman ang utang sa tinatayang 112 libong military pensioners.

Ang DND ay nagharap ng bill para baguhin ang sistema sa retirement ng military at ito ay isang priority ng Kongreso tungo sa isang mabuting pamamahala ng government’s pension program.

Nasa balag ng alanganin ngayon ang retirement pay at pension ni Ret. Marine Col. Generoso Mariano.

Sa isang video – ipinahayag ni Col. Mariano na dapat lutasin ng gobyerno ang talamak na kahirapan at high cost of living. At kung ang kasalukuyang administrasyon ay walang intensiyon at ginagawa upang mabago ang pamumuhay ng nakararami – tungkulin at karapatan ng bawat Filipino, kasama ang mga sundalo na palitan ang gobyerno.

Dahil dito, ang DOJ – Department of Justice ay pormal na nagharap ng kasong inciting to sedition laban kay Col. Mariano sa jago – Judge Advocate General’s Office ng AFP kasama ang maraming paglabag sa itinatadhana ng articles of war.

Si Col. Mariano ay nakakulong ngayon sa quarters ng navy, habang  isi-nasagawa ang imbestigasyon.

‘Noong panahon ni dating Pangulong Cory – halos siyam na beses na nagkaroon ng coup plot at muntik na ngang mamatay si PNoy sa marahas at madugong pagsalakay sa Arlegui, na tahanan ni Tita Cory noong August 1987.

Ang afp chief of staff ni Tita Cory ay si Gen. Fidel Ramos at lumaon ay naging presidente, habang chief ng Presidential Security Group ay si Voltaire Gazmin na DND secretary ngayon. (Itutuloy)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply