Walang kuryente at tubig sa relocation site

KURYENTEEEE…tubiiiiiiiigggg….ito ang galit na panawagan ng mga residenteng na-relocate sa lupa ng National Housing Authority (NHA) sa Barangay Gaya-gaya, San Jose del Monte, Bulacan.

Tinatawagan din nila ang developer na Golden Ville Realty para mapadali ang pagkakaroon ng kuryente at tubig sa kanilang relocation site.

Ano ba yan, Vice President Jejomar Binay, magpakita naman kayo ng gilas sa mga maralita na na-relocate sa San Jose del Monte?

Basahin ninyo, Mr. Vice President Binay, ang nilalaman ng reklamo ng mga na-relocate sa San Jose.

Gud am po, Sir Johnny. Paki-page lang kay VP Binay. Ilang beses na kaming nanawagan sa NHA tungkol sa kuryente at tubig dito sa ibinigay nila na relocation site sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose del Monte Bulacan, ganundin sa developer na Golden Ville Realty, na madaliin ang pagkakaroon ng kuryente at tubig dito. Pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari. Before kami lumipat, palaging sinasabi ng NHA na bago raw mag-June ay may kuryente at tubig na kami. Ilang buwan na po kaming nandito sa relocation site pero wala pa rin kaming tubig at kuryente.

Parami nang parami kami rito sa relocation site pero pahina nang pahina naman ang kuryente galing sa generator nila. Paano na ang mga anak naming nag-aaral?

***

Untouchable si Bong Sola kay DD

Sa Rizal ay hindi pa rin daw tumitigil si Bong Sola sa pagpapakalat niya ng mga iligal na pasugalan na videokarera at loteng sa buong lalawigan.

Patuloy na nagbibingi-bingihan si DD Gen. Manuel Cesar Prieto sa hindi mapatigil at lumalawak na mga pasugalan ni Bong Sola.

Palibhasa ipinagmamalaki ni Bong Sola na hindi siya pupuwedeng hulihin dahil sa malaki ang kanyang ibinibigay na I.N.T. (intelihensiya) sa
Office of the District Director (ODD).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply