Walang kuwentang tserman mga bisyo di mapatigil

ANG walang malasakit na barangay tserman ng Tondo, Maynila ang ating tatalakayin sa kolum na ito.

Sa barangay lang ni  Brgy. 72 Zone 9 Chairman Giovani Tizon ang walang streetlight sa mga kalye.

Kaya naman sobrang napakadilim sa nasasakupang barangay ni Kapitan Giovani dahilan upang maglipana ang mga drug addict at maging talamak din ang bookies ng karera.

Wala kasing iniintindi si Kapitan Giovani kundi ang mga kaalyado nito.

Basahin natin ang nilalaman ng mga reklamo sa text message.

Gud am, Mang Johnny. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na sa Barangay 72 Zone 9, ang barangay chairman ay dapat maglagay ng mga streetlight sa mga kalye.

Madilim ang nasasakupan ng kanyang barangay.

Eh sa bahay  lang ng mga kaalyado niya ibinibigay gayung ang bayad ay galing sa pondo ng barangay.

Ang Barangay Chairman namin dito sa Brgy. 72 ay si Tserman Giovani Tizon.

Pati ang bookies ng  karera at droga ay talamak din sa aming barangay at kinukunsinti ni tserman.

Salamat po.

Resident of Tondo.

MAKATAONG MGA INHINYERO NG PASAY

Hindi matatawaran ang kababaang-loob ng dalawang opisyal ng Pasay City Hall na sina Engr. Jabaluias at Engr. Boy Villarin dahil sa ibinigay nila na pagkakataon sa kasamahan namin na si Boyet Bizares na muling maibalik ang munti nitong tindahan sa tabi ng Progressive Tri-Media of Southern Metro ng Pasay City.

Kaya naman lubos ang pagpapasalamat ni Boyet Bizares kina Engr. Villarin at Engr. Jabaluias sa makataong ginawa nito sa aming kasama.

Sa mga bosing na ito,  lumawig pa sana ang inyong magandang hangarin sa mga residente ng Pasay.

oOo

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply