Walang paparating na bagyo sa PAR

DALAWANG low pressure area (LPA) at  Inter-tropical Convergence Zone (ITCZ) ang namataan na patuloy na umiiral at nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.

Samantala iniulat naman ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na walang papasok na bagyo sa Philippine area of responsibility hanggang sa araw ng Biyernes.

Ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa ay makakaranas pa rin ng maaliwalas na panahon maliban lamang sa ilang insidente ng pag ambon o pag-ulan.

Sa Baguio City pa rin mararamdaman ang pinakamalamig na panahon sa 15 degrees celsius samantalang pinakamaalinsangan ang panahon sa Laoag City sa 36 degrees Celsius.

Sinabi ni Usec. Graciano Yumul ng PAGASA, nalusaw na ang low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea habang nababasag na rin ang isa pang low pressure area sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Yumul, maaring sa araw na ng Sabado at Linggo papasok ang iba pang sama ng panahon sa bansa.

Gayunman, makakaranas pa rin umano ng kalat-kalat na pag-ulan ang Pilipinas lalo na sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply